Bb 7, Caloocan
Shanon Tampon
#IAmBinibini
Lakambini ng Himagsikan
(Notes from the designer)
Isang inspirasyon sa mga kababaihang Filipino sa kanyang katapangan at tatag ng paninindigan. Gregoria De Jesus, ang kabiyak ng dibdib ni Andres Bonifacio at hinirang na “Ina ng mga Katipunero” at “Ina ng Himagsikan.” Tagapangalaga ng mahahalagang dokumento, namahala sa pagpapakain at pagpapagamot sa mga Katipunero.
Ang kasuotan ay lumalarawan sa tanyag na Monuménto, ang pangunahing palatandaan ng Lungsod ng Caloocan, simbolo ng mga pangyayari, katapangan at kagitingan ng mga Pilipino. Itinayo dito ang dambana ng tagapagtatag ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Ang oktagonang paanan ng paylon na kumakatawan sa unang walong lalawigan na nag-aklas laban sa pamumuno at pananakop ng mga Espanyol. Ang dalawampu’t tatlong estatwa na kasama sa pangyayari na tinaguriang “Unang Sigaw ng Himagsikan sa Balintawak”. Ang bandila ng Katipuanan, na ginawa ni Gregoria De Jesus sa isang kulay pulang tela na karaniwang tinatawag na “kundiman,” ay sumasagisag sa dugo at katapangan ng mga katipunero na handang lumaban at ialay ang buhay para sa kalayaan.
Ang modernong kasuotan ng Lakambini ng Caloocan, ay hango sa kasuotan ni Andres Bonifacio na hawak ang tabak at bandila ng Katipunero. Ito’y sumisimbolo sa mga makabagong kababaihang lumalaban at patuloy na itinataguyod ang karapan ng bawat kababaihan at ng mga naaapi sa lipunan. Isang adhikain na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na isinusulong upang manatili ang pagkakapantay sa karapatan ng bawat mamayang Filipino.
Designer: Armand Marco
Backpiece: Robert Espiritu
Photography: Raymond Saldaña
Set design: Henry Reyes HGR Events